Linggo, Abril 21, 2013

Puerto Galera Escapade


Day 1:

It was summer 2012 nung magpunta kami sa Puerto Galera ng mga officemates-friends ko.

Planado naman to pero budget trip lang.

Umalis kami sa Manila about 5:00 AM dahil yung ang first trip ng bus papuntang batangas pier.
Nagkita kita kami sa mcdo sa tabi ng bus terminal.

P2,000 ang budget namin para sa trip na ito all-in na binigay na naming ang budget sa aming treasurer (oo, treasurer talaga ) para sya na ang bahala sa pagbabayad ng mga expenses.

Umalis kami ng mga 6:00 AM sa Manila going to Batangas pier. 2 ho. Na byahe alam ko nasa P200 ang pamasahe. Pag dating naming sa pier ay bumili na kami ng round trip boat fare papuntang Puerto Galera. Overnight lang naman kami doon.P500 ang pamasahe balikan na.
Kami ang LUCKY 8 :)
Jump shot papuntang Munting Aplaya

Groto sa Munting Aplaya









Medyo maalon ang dagat kaya nahilo ako sa byahe papuntang Galera. Halos 1 ho. Ang byahe sa dagat papunta doon.

Pag dating doon ay  may susundo ng sasakyan sa mga turista papunta sa White beach. May mga private transfers ang mga hotels doon kaya mas maigi kung kumontact na ng hotel bago pumunta doon para sunduin na kayo sa pier.

Pag dating sa White Beach ay madaming nagoofer ng mga packages to Tamaraw Falls, snorkeling sa Elizabeth’s Hide away, Sandbar at Banana boat.
P1,500 good for 8 pax na ang nakuha naming package. Di pa kasali ang gear rental para sa snorkeling P100/pax at banana boat ride P200/pax.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay pumunta na kami sa Tamaraw falls. Sinundo kami ng tour guide sa hotel papunta sa Tamaraw Falls. Maganda sana ang falls kaso lang nasa gitna sya ng daan. 1ho. Halos ang byahe papunta sa Tamaraw Falls.
Tamaraw Falls :)

Solo pic sa falls


Syempre picture picture na yan. After magswimming sa Tamaraw falls, dumaan kami saglit sa Munting Aplaya. Maganda din ang dagat doon kesa sa white beach side trip lang sa tour yun.
Diretcho na kami sa  Elizabeth’s Hideaway at Sand bar kung saan  parang solo mo ang mundo dahil liblib na lugar sya. Gusto ko ang effect bulaklak sa garden at yung pagsasalubong ng seashore. Maganda kaso masyadong maalat ang tubig at sobrang kati at madaming bato masakit sa paa kailangan ng tsinelas pag naligo doon.

Kinagabihan party party syempre. May party sa beach fron ng White Beach, may papicture din na fire dancers at mga impersonators.
Ligo ligo din sa ilog..

I like the flower effect!


Day 2:

Bumalik kami sa Elizabeth’s hideaway para magsnorkeling. Magandang magsnorkeling doon madaming isda.

Binalitaan kami ng boatman na malakas daw ang alon noon kaya maaga daw kaming umuwi. Ang kaso lang nagkadelay delay sa hotel dahil hindi kami agad sinundo ng service ng hotel, yun pala walang bumabalik na Bangka dahil malakas daw ang alon. Around 4:00PM pa kami nakasakay. Imagine yung naghintay kami ng 5 hours sa pier tapos ang sasalubong sa amin ay yung mga parating na ang balita ay sobrang lakas ng ng alon. True enough, dahil noong kami naman ang nakasalang ay napa-pray talaga ang lahat sa lakas ng alon tapos may bigla ba naming sumigaw ng “Wear your vest” aba! Sino ba naming hindi matatakot! Pero thanks to kuya driver dahil we managed to go home safe that day. Yun nga lang ang tumatak sa isip naming ay yung bayhe pauwi. Hahaha..
Ahooooooo...

One of the BOYS!


Tip: Wag magbyahe pa-Galera ng hapon na o pag may bagyo o malakas ang alon dahil buwis buhay talaga ang byahe sa dagat.

We conquered Anawangin Cove, Zambales


Nagsimula ang lahat sa isang promo sa metrodeal na nagoofer ng murang tour sa Anawangin, Zambales.
Nagkaayaan sa opisina kaya go na rin ako.
Naiset na ang trip and ready to go na ang lahat.
Madaling araw kami umalis ng Manila mga 4:00 AM.
May sasakyang dala ang mga kasamahan naming kaya hindi kami nahirapang magcommute overnight camping lang naman kami kaya hindi masyadong madami ang dala kong gamit.
Mga 4 to 5 hours ang byahe mula Manila to Zambales nag NLEX tapos SCTEX kami kaya medyo ok lang naman ang byahe.

That's Capones Island

Ume-FHM ang peg namin..

May Jetski fun run nung pumunta kami

Start of Trek Area

View sa taas ng bundok

Sunset :)

DAY 1:
Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng tour guides naming. Isang grupo sila na magcacamp din sa Anawangin. P600/pax yung promo tapos P400/pax pag may kasamang food. Breakfast 2 lunch at dinner na yan.  
Pagdating naming ay may jetski competition ata kaya medyo madaming tao. Walang cellphone signal at kuryente doon kaya be ready sa mga camping needs nyo. Madala din ng off lotion panlaban sa lamok.
Mga hapon na nung nagsimula naming libutin yung isla. Maganda ang view parang New Zealand lang… haha.. Syemre picture picture nay an. Badtrip lang dahil nabasa ang camera ko at nag error. Buti na lang may dalang dslr camera ang kasama ko so  gora pa din sa pagpipicture.
Mga 4:00 PM nagstart na kaming mag trek paakyat sa bundok. Medyo matarik ang bundok lalo sa first time kong magtrek. Pagdating sa tuktok ay napakaganda ng view sakto palubog na ang araw. Picture ulit.:)
Nung gabi nag camp fire kami at kumain ng fried marshmallow. P150/ bundle ang kahoy. Makakabili kayo sa mismong isla.
DAY 2:
Pagkagising namin ay nagbihis na kami at naghanda papunta sa Capones Island.
Sinundo kami ng Bangka mula sa Anawangin papuntang Capones Island. Mga 45 mins ang byahe by boat.
Maalon sa Capones, at malalim ang tabing dagat kailangan pa ng vest para makapunta doon. Pero mas maganda ang buhangin dahil pino at puti. Kaya lang mabato nagkasugat sugat ang tuhod ko.
May light house sa Capones Island pero di kami nakapunta dahil sobrang init na.
After sa Capones, bumalik na kami sa Pundaquit para maligo at magbihis tapos uwi na sa Manila.
Expenses:
Tour to Anawangin( Tent rental, boat transfers and tour guide)
P800/pax
Contact Belle or Cyrus
Food P400/pax
Nilagay ko rin ang details kung plano magcommute:
  1. From Manila, catch a Victory Liner bus bound to Iba, Zambales.  You may go to their Caloocan or Pasay terminal.
  2. When you pay, tell the cashier you’re getting off in San Antonio.
  3. Once inside the bus, tell the driver or the conductor to drop you off at the San Antonio Public Market.
  4. Take a tricycle going to Pundaquit (P60 per 2 pax, or P30 per pax).
  5. In Pundaquit, rent a boat for P1500 roundtrip. That’s P1500 per boat so it will still be divided by how many you are in the group. This boat will take you to Anawangin Cove, Camara Island, and Capones Island. If you want to go to Anawangin Cove ONLY and NOT Camara and Capones, rent is P900.

Isang araw sa Panguil Eco Park (The Ambon Ambon Falls Adventure)


We started without a plan. We ended up having plans.

Dahil bored kami sa buhay, naisipan naming ng ex-officemate-friend ko this coming weekend na mag Nature Trip. Nagsearch kami sa mga blog online at dyarannnnn… Napunta kami sa Panguil River Eco Park at ang main attraction doon ay ang Ambon-Ambon Falls sa Laguna.

Eto ang detalye ng byahe namin:
6:00 A.M. – Time of Departure (Alabang)
From Alabang may mga masasakyan ka ng bus going to Sta Cruz, Laguna tapos bababa ka na sa mismong terminal ng bus. Nakalimutan kong yung bus na sinakyan namin. Pero kahit JAM liner o DLTB doon din ang daan. Mga 2 to 2 ½ hours na byahe.P101 ang pamasahe mula Alabang, pag sa buendia naman P140.

Pagbaba ng terminal sakay ng jeep to SINILOAN. Tip: Umupo sa harapan para mapicturan nyo ang daanan for documentation purposes at mas mabantayan ang driver para ibaba kayo sa PANGUIL. 1 ho. Na byahe medyo malayo.P35 ang pamasahe.

From PANGUIL sakay kayo ng tricycle papasok ng PANGUIL ECO PARK kung saan nandoon yung Ambon-Ambon falls.P30 ang pamasahe/trip yun.

Akala ko malapit lang ang byahe dahil Laguna lang pero grabe, malapit na pala sa Quezon Province yun pero worth it naman ang travel.

Entrance fee: P40 for day tour P80 pag overnight
Environmental fee: P1
Maintenance: P1

Kadalasan maaga pa lang punuan na ang mga cottages sa gilid ng ilog. So magtanong sa Tourist assistant dahil may tent rental doon P300/tent. Malalaki ang mga tent nila doon kasya kahit 5 katao. Dahil dalawa lang kami ng kaibigan ko, aalog alog ang tent hahahaha…

Kumain muna kami ng lunch. Dahil nga sa hindi naman naming ito pinaghandaan, bumili lang kami ng lunch sa nadaanan naming saka may mabibilhan naman ng pagkain kahit paano sa labas ng park.

Mga 1:00 PM naisipan na naming magtrek dahil busog na kami. Ang kagandahan sa lugar kahit tanghaling tapat hindi mainit dahil madaming puno at malilim ang lugar.

Lumapit kami sa tourist assistant para sa magtanong sa trekking. Nabasa ko kasi sa blog na may trekking daw papuntang falls.P60/pax ang bayad pero min. of 6 pax. Buti na lang may mga nakasabay kami kaya P60 na lang ang bayad. Kailangan nyo ng tour guide doon dahil medyo mahirap ang daraanan akala nga naming pwedeng makisabay na lang eh. Buti na lang hindi naming ginawa kundi patay kami hahahaha..

Super lamig ng tubig at hindi mini trekking ito dahil sa 3 river parts na kailangan mong tawirin gamit ang balsa para marating ang falls. This calls for an ADVENTURE. Excited kami ni Hapitot kahit  dalawa lang kaming pumunta doon.

Mga 1 oras ang trekking papuntang Ambon Ambon Falls. Sa simula akala naming ay ok na ok lang ang daaan pero pagdating sa gitna, kailangan mo na palang tumawid ng ilog at dumaan sa gilid ng bundok. Medyo madulas ang daan, kaya kailangang mag-ingat.

AT LAST.. andito na kami! Ang lamig ng tubig SOBRA! Pero sulit ang pagod dahil maganda ang falls. Malinis din ang tubig. Mas gusto ko ang tubig sa ilog kaysa sa dagat dahil hindi maalat at hindi masakit sa mata ang tubig hehehe.. Nag enjoy kami sa falls habang picture naman ng picture an gaming tour guide. 
Inferness, supportive si kuya Carlo na tour guide namin sa trek.

Pagkatapos ng trek ay nagpahinga muna kami. Sayang nga at hindi naming natry yung River tubing. P30/pax lang naman ang bayad kaso min of 5 pax kasi yun eh wala nga kaming kasama.

Naligo na lang kami sa ilog. Super lamig padin ng tubig sa ilog kahit mga 4:00 PM na yun. Ang nakakatawa ay nung nagsuka yung kasama ko sa ilog. Lumabas lahat ng kinain nya pati yung mga HOTDOG bits at halohalo.. hahaha diretcho sa mga naliligo sa kabilang side ng ilog.. Buti flowing ang tubig kaya nawala agad samin yung suka. Naawa lang ako sa mga naliligo sa kabilang side.. hehehe..

Mga 6:00 PM ay umuwi na din kami ng Manila. Balak sana naming magovernight at magcamp fire kaso lang wala kaming dalang kahit kumot man lang kaya umuwi na lang kami.

Overall ok na ok ang trip na ito at natuloy sya kahit hindi pinaghandaan.
Till next trip Hapitot J

Ambon-Ambon Falls
Expense Summary:
Fare to Sta. Cruz Laguna- P101
Sta cruz to Siniloan- P35
Siniloan to Paguil- P30/trip
Entrance and fees P42
Tent rental P300/tent
Trekking fee: P60
River tubing: P30 (di naming natry to)
Tip kay kuyang tour guide: P100
Panguil to Siniloan- P 30/trip
Siniloan to Sta Cruz- P 35
Sta Cruz to DLTB terminal (Buendia) P140
Pretty cheap lang pero enjoy at adventure J


Pulvorista- Pagawaan ng pulbura noong panahon ng hapon

Let the Trekking begin..


Summer ADVENTURE!
Hanging Bridge to Campsite

Dyosa ng Batis Effect!
Park Gate
Welcome to Panguil