Linggo, Abril 21, 2013

We conquered Anawangin Cove, Zambales


Nagsimula ang lahat sa isang promo sa metrodeal na nagoofer ng murang tour sa Anawangin, Zambales.
Nagkaayaan sa opisina kaya go na rin ako.
Naiset na ang trip and ready to go na ang lahat.
Madaling araw kami umalis ng Manila mga 4:00 AM.
May sasakyang dala ang mga kasamahan naming kaya hindi kami nahirapang magcommute overnight camping lang naman kami kaya hindi masyadong madami ang dala kong gamit.
Mga 4 to 5 hours ang byahe mula Manila to Zambales nag NLEX tapos SCTEX kami kaya medyo ok lang naman ang byahe.

That's Capones Island

Ume-FHM ang peg namin..

May Jetski fun run nung pumunta kami

Start of Trek Area

View sa taas ng bundok

Sunset :)

DAY 1:
Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng tour guides naming. Isang grupo sila na magcacamp din sa Anawangin. P600/pax yung promo tapos P400/pax pag may kasamang food. Breakfast 2 lunch at dinner na yan.  
Pagdating naming ay may jetski competition ata kaya medyo madaming tao. Walang cellphone signal at kuryente doon kaya be ready sa mga camping needs nyo. Madala din ng off lotion panlaban sa lamok.
Mga hapon na nung nagsimula naming libutin yung isla. Maganda ang view parang New Zealand lang… haha.. Syemre picture picture nay an. Badtrip lang dahil nabasa ang camera ko at nag error. Buti na lang may dalang dslr camera ang kasama ko so  gora pa din sa pagpipicture.
Mga 4:00 PM nagstart na kaming mag trek paakyat sa bundok. Medyo matarik ang bundok lalo sa first time kong magtrek. Pagdating sa tuktok ay napakaganda ng view sakto palubog na ang araw. Picture ulit.:)
Nung gabi nag camp fire kami at kumain ng fried marshmallow. P150/ bundle ang kahoy. Makakabili kayo sa mismong isla.
DAY 2:
Pagkagising namin ay nagbihis na kami at naghanda papunta sa Capones Island.
Sinundo kami ng Bangka mula sa Anawangin papuntang Capones Island. Mga 45 mins ang byahe by boat.
Maalon sa Capones, at malalim ang tabing dagat kailangan pa ng vest para makapunta doon. Pero mas maganda ang buhangin dahil pino at puti. Kaya lang mabato nagkasugat sugat ang tuhod ko.
May light house sa Capones Island pero di kami nakapunta dahil sobrang init na.
After sa Capones, bumalik na kami sa Pundaquit para maligo at magbihis tapos uwi na sa Manila.
Expenses:
Tour to Anawangin( Tent rental, boat transfers and tour guide)
P800/pax
Contact Belle or Cyrus
Food P400/pax
Nilagay ko rin ang details kung plano magcommute:
  1. From Manila, catch a Victory Liner bus bound to Iba, Zambales.  You may go to their Caloocan or Pasay terminal.
  2. When you pay, tell the cashier you’re getting off in San Antonio.
  3. Once inside the bus, tell the driver or the conductor to drop you off at the San Antonio Public Market.
  4. Take a tricycle going to Pundaquit (P60 per 2 pax, or P30 per pax).
  5. In Pundaquit, rent a boat for P1500 roundtrip. That’s P1500 per boat so it will still be divided by how many you are in the group. This boat will take you to Anawangin Cove, Camara Island, and Capones Island. If you want to go to Anawangin Cove ONLY and NOT Camara and Capones, rent is P900.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento