Huwebes, Hunyo 13, 2013

Cavinti Falls a.k.a. Pagsanjan Falls and Bumbungan Eco Park

June 8, 2013- We decided to go to Laguna again dahil may nakita ako sa isang site regarding the new tourist spot sa Cavinti, Laguna na nafeature sa TV- Cavinti Underground River and Cave. But unfortunately, suspended ang operations ng cave dahil sa malakas na ulan kaya another option, go to Cavinti Falls a.k.a. Pagsanjan Falls which is near Bumbungan Eco Park din ( kung saan yung entrance ng cave).

So eto ang detalye ng nakakapagod at unexpected trek, hike, rapel and river rafting adventure namin ng kaibigan ko:

Umalis kami ng manila ng mga 6AM (dahil late kaming nagising) hahaha.. Sa Alabang may sakayan papuntang STA CRUZ manila any bus na papuntang STA CRUZ pwedeng sakyan. Fare ranges from 80 (orsinary) to 150 (aircon).

Drop off to STA CRUZ, then itanong sa mga taga doon yung sakayan papuntang LUCBAN, pamasahe is about P30 and 45 mins. ride ito. 

Una bumaba kami sa BUMBUNGA ECO PARK (dahil balak nga namin pumunta ng cave). Although pwede ding maligo sa falls doon kaso madaming naglalaba hahah.. nakakahiya naman kina ate! Picture picture na lang 



Buti na lang at nakapagtanong ako kay kuya at tinuro nya kami sa Cavinti Falls via Pueblo el Salvador route. Trekking ito teh! Ito naman ang itinerary ng gala namin sa Cavinti Falls:

Entrance and guide sa falls: P270 yun na yun! hahaha kumpara kung as pagsanjan ka manggagaling at magbabangka ka mula roon kung saan P1,250 ang charge nila. Nakatipid ka na adventure pa! yun nga lang di pwede dito ang mga maaarte at mga tanderbirds (oldies) dahil challenge ang way na ito. You have to climb a 586 stairway (x 2 pabalik) tapos may rapelling pa at masukal na gubat. hahaha!
pero kung adventure ang hanap mo, perfect ito! nakakapagod sobra! tahaktak ang pawis namin as in sabaw kung sabaw! eto ang bunga ng paghihirap namin na may unli ride pa sa balsa papuntang falls.
Rapelling station

Ayan ang daming ugat ng puno

ako at ang falls

ready to go!

cavinti falls at its finest


Halos lahat ng nakasabay namin sa tour ay mga korean  at iba pang mga foreigners. grabe ang lakas ng tubig sa tapat ng falls electrifying tlga pero ang sarap sa feeling! hahaha.. all in all ang expenses namin ay P720/ pax lang sa day tour na ito.. ok na ok na diba..

ADVENTUREEEEEE!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento