Huwebes, Hunyo 13, 2013

La Mesa Eco Park, Quezon City

Dahil sa kadesperadahan kong gumala ng araw na ito ay naisipan kong ayain ang kaibigan kong pumunta sa La Mesa Eco Park sa may QC lang naman. Hindi masyadong malayo pero nature trip pa din.

eto ang detalye ng instant gala namin:

8AM umalis kami ng Taguig. Kung nasaan lupalop ka man ng manila madali lang mahanap ito.
Una sasakay ng MRT baba ka ng Quezon Ave. station sa baba ng mrt may jeep o bus doon papuntang fairview sakay ka na lang doon tapos pababa ka sa WINSTON ST. o kaya sabihin mo sa LA MESA ECO PARK. Ibaba ka sa kanto kung saan sasakay ka ulit ng tricycle papunta sa entrance ang park. Pamasahe: estimated P50

Ang entrance sa eco park ay P50 tapos P180 sa pool. Merong horseback riding may fishing din doon pero ibang rate. Perfect ang place for Pre-Nup photoshoot ( andaming nagpepre-nup doon). All in all, ok naman ang place, may bilihan ng pagkain doon pero kung gusto mong magbaon ok lang rin naman may mga picnic huts na wala namang bayad. May activity area din doon.

May butterfly garden din at meron din mini zip line (P100), wall climbing at paint ball.









Isang paraiso sa gitna ng syudad! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento