Day 1:
It was summer 2012 nung magpunta kami sa Puerto Galera ng
mga officemates-friends ko.
Planado naman to pero budget trip lang.
Umalis kami sa Manila about 5:00 AM dahil yung ang first
trip ng bus papuntang batangas pier.
Nagkita kita kami sa mcdo sa tabi ng bus terminal.
P2,000 ang budget namin para sa trip na ito all-in na binigay
na naming ang budget sa aming treasurer (oo, treasurer talaga ) para sya na ang
bahala sa pagbabayad ng mga expenses.
Umalis kami ng mga 6:00 AM sa Manila going to Batangas pier.
2 ho. Na byahe alam ko nasa P200 ang pamasahe. Pag dating naming sa pier ay
bumili na kami ng round trip boat fare papuntang Puerto Galera. Overnight lang
naman kami doon.P500 ang pamasahe balikan na.
|
Kami ang LUCKY 8 :) |
|
Jump shot papuntang Munting Aplaya |
|
Groto sa Munting Aplaya |
Medyo maalon ang dagat kaya nahilo ako sa byahe papuntang
Galera. Halos 1 ho. Ang byahe sa dagat papunta doon.
Pag dating doon ay
may susundo ng sasakyan sa mga turista papunta sa White beach. May mga
private transfers ang mga hotels doon kaya mas maigi kung kumontact na ng hotel
bago pumunta doon para sunduin na kayo sa pier.
Pag dating sa White Beach ay madaming nagoofer ng mga
packages to Tamaraw Falls, snorkeling sa Elizabeth’s Hide away, Sandbar at
Banana boat.
P1,500 good for 8 pax na ang nakuha naming package. Di pa
kasali ang gear rental para sa snorkeling P100/pax at banana boat ride P200/pax.
Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay pumunta na kami sa
Tamaraw falls. Sinundo kami ng tour guide sa hotel papunta sa Tamaraw Falls.
Maganda sana ang falls kaso lang nasa gitna sya ng daan. 1ho. Halos ang byahe
papunta sa Tamaraw Falls.
|
Tamaraw Falls :) |
|
Solo pic sa falls |
Syempre picture picture na yan. After magswimming sa Tamaraw
falls, dumaan kami saglit sa Munting Aplaya. Maganda din ang dagat doon kesa sa
white beach side trip lang sa tour yun.
Diretcho na kami sa Elizabeth’s
Hideaway at Sand bar kung saan parang
solo mo ang mundo dahil liblib na lugar sya. Gusto ko ang effect bulaklak sa
garden at yung pagsasalubong ng seashore. Maganda kaso masyadong maalat ang
tubig at sobrang kati at madaming bato masakit sa paa kailangan ng tsinelas pag
naligo doon.
Kinagabihan party party syempre. May party sa beach fron ng
White Beach, may papicture din na fire dancers at mga impersonators.
|
Ligo ligo din sa ilog.. |
|
I like the flower effect! |
Day 2:
Bumalik kami sa Elizabeth’s hideaway para magsnorkeling.
Magandang magsnorkeling doon madaming isda.
Binalitaan kami ng boatman na malakas daw ang alon noon kaya
maaga daw kaming umuwi. Ang kaso lang nagkadelay delay sa hotel dahil hindi
kami agad sinundo ng service ng hotel, yun pala walang bumabalik na Bangka dahil
malakas daw ang alon. Around 4:00PM pa kami nakasakay. Imagine yung naghintay
kami ng 5 hours sa pier tapos ang sasalubong sa amin ay yung mga parating na
ang balita ay sobrang lakas ng ng alon. True enough, dahil noong kami naman ang
nakasalang ay napa-pray talaga ang lahat sa lakas ng alon tapos may bigla ba naming
sumigaw ng “Wear your vest” aba! Sino ba naming hindi matatakot! Pero thanks to
kuya driver dahil we managed to go home safe that day. Yun nga lang ang tumatak
sa isip naming ay yung bayhe pauwi. Hahaha..
|
Ahooooooo... |
|
One of the BOYS! |
Tip: Wag magbyahe pa-Galera ng hapon na o pag may bagyo o
malakas ang alon dahil buwis buhay talaga ang byahe sa dagat.